HomeCelebritiesOgie Diaz, nagdasal sa ikabubuti ng bansa: "Kasama ako ng 31-M Pilipinong...

Ogie Diaz, nagdasal sa ikabubuti ng bansa: “Kasama ako ng 31-M Pilipinong nagdarasal”

Ibinahagi ng kolumnista at vlogger na si Ogie Diaz ang kanyang mensahe sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding sa bansa.

Sa kanyang post nitong Septyembre 26 ay sinabi ni Diaz na isa siya sa ’31-M’ na Pilipino na umaasa na umayos na ang panahon.

Kasama rin diumano siya sa umaasa na mararamdaman ng mga apektado ang tulong ng gobyerno.

“Kasama ako ng 31M Pilipinong nagdarasal na sana ay umaliwalas na ang panahon kasabay ng kanilang paniniwala na may gobyerno tayong maaasahan at mararamdaman sa oras ng kalamidad. #KayaYan,” ani Ogie.

Ang ’31-M’ ay madalas gamitin sa grupo ng populasyon na bumoto kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. nitong nakaraang halalan.

ogie tweet 2

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang tugon sa sinabi ni Ogie.

Ang ilan ay tila nagdududa kung seryoso nga ba ang mensahe ng talent manager.

“kanilang”? so still, you are in a bubble. why won’t we tag your friend
@dswdserves erwin tulfo, whom your idol and saint “leni” believed doing a great job? how i wish na umalis nalang kayo sa pinas na di naniniwala sa current gov ng wala ng sawsawero’t sawsawera?” banat ni @High_Knight_88

“We don’t need a doble cara like you,” sabi ni netizen @onofight.

“Correct.Kung ang Pilipino ay di magkaisa sa politika, sa panalangin man lang sa Diyos na humupa na ang bagyo ay magkaisa.Kung kayang tumulong sa kapitbahay kahit sa maliit na paraan ay ok din. Paalis na daw ang bagyo. Monitoring the events in the Philippines here in New Zealand.” komento ni @mekatronix16.

“Ganyan talaga ang mindset pag utak dilaw. Hahahaha Since du30 ganyan na ang utak niyo. Napasobra yata pagsubo mo ng hotdog HAHAHA,” wika ni @ytrewsot.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular