HomeCelebritiesNatuto sa Yolanda! Pangulong BBM, hindi bibista sa mga apektado ng Karding:...

Natuto sa Yolanda! Pangulong BBM, hindi bibista sa mga apektado ng Karding: “Baka makaka-istorbo lang ako,”

Ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na wala siyang balak na pumunta ng personal sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Karding.

Sa kanyang pahayag, ipinaliwanag ni Marcos na maaring makagulo lamang siya sa trabaho ng mga Local Government Unit (LGU) na siyang nagta-trabaho upang maasikaso ang kanilang mga kababayan.

“I will not land in any place because from my experience, pagka nasa local government ka, lalo na just after the typhoon, marami silang trabaho.” ani Marcos Jr.

“‘Pag bumaba ako, kailangan nila akong i-welcome, kailangan yung pulis sa akin, kailangan kukunin ko ‘yung mga sasakyan nila. Eh ang dami nilang kailangang gawin so baka makaka-istorbo lang ako,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay pupunta lamang siya sa mga apektadong lugar kung hindi na masyadong abala ang mga LGU.

Matatandaan na ilang beses ng sinabi noon ng pangulo na hindi siya pupunta sa mga lugar na apektado ng kalamidad upang mas mapabilis ang paggalaw ng mga LGU.

Noong Hulyo ay ginawa na ito ni Marcos kung saan ay hinintay niya muna na maging ligtas ang mga lugar na apektado ng lindol na tumama sa North Luzon.

Ayon sa kanya ay natutunan niya ito noong panahon na tumama ang Yolanda sa Tacloban.

“I am staying away from going to the affected areas for a very simple reason. It has been my experience as governor; it has been my experience in Yolanda that when national officers come to the affected areas, immediately, ginugulo lang namin yung trabaho ng mga local,” ani Marcos.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular