HomeCelebritiesMga kaanak ng limang nasawing rescuer sa Bulacan, hindi maitago ang pagdadalamhati

Mga kaanak ng limang nasawing rescuer sa Bulacan, hindi maitago ang pagdadalamhati

Hindi parin matanggap ng ilang kaanak ng limang nasawing miyembro ng Bulacan PDRRMO ang nangyari sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sa ilang kumakalat na larawan sa social media ay makikita ang pagdadalamhati ng mga kaanak ng mga bayaning rescuer na sina George E. Agustin, Troy Justin P. Agustin, Marby A. Bartolome, Jerson L. Resurreccion, at Narciso Calayag.

Makikita ang ilan sa mga kaanak ang kasama si Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alex Castro.

309282130 468821148624290 3498253802328128330 n

Ayon kay Fernando ay pumayag ang mga kaanak na idaan sa autopsy ang mga rescuer upang malaman kung ano ang dahilan ng kanilang pagkasawi.

Gusto kasi nilang malaman kung nakuryente ba ang mga rescuer ng anudin sila ng baha habang nagliligtas ng buhay sa kanilang operasyon.

309049942 472351908266829 1794794950707456799 n

Sa isang video naman na ibinahagi ng ABS-CBN ay makikita ang walang tigil na pag-iyak ng isa sa mga kaanak ng biktima.

Nangako naman ang pamahalaan ng Bulacan na hindi nila hahayaan na masayang ang kabayanihang ginawa ng limang rescuer.

Tutulungan din nila ang mga naiwang pamilya ng biktima at bibigyan ng nararapat na benepisyo.

Inaasahan naman na pormal na idedeklarang bayani ang lima sa probinsya ng Bulacan.

Sa ngayon ay hihintayin na muna ang magiging resulta ng imbestigasyon sa nangyari sa limang rescuer.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular