HomePoliticsBulacan Gov. Daniel Fernando, kinilala ang kabayanihan ng limang nasawing rescuer: "I...

Bulacan Gov. Daniel Fernando, kinilala ang kabayanihan ng limang nasawing rescuer: “I am personally shouldering their funeral expenses,”

Lubos na ikinalungkot ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang nangyari sa limang miyembro ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na nasawi habang ginagawa ang kanilang rescue mission sa bayan ng San Miguel nitong Septyembre 25.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Fernando na hindi niya hinangad na mayroong masawing resucer sa gitna ng kanilang trabaho.

Nangako naman si Fernando na tutulungan ang pamilya ng limang bayani pagdating sa problemang pinansyal.

309017800 10216975269773128 9002011506600383630 n
Larawan mula kay Batang Malolos

“Lubha po tayong nalulungkot sa nangyari. Hindi po natin ito inaasahan at hindi kailan man hinangad na mangyari lalo na sa ating mga bayaning rescuers na mas pinili ang tumulong at iligtas ang buhay ng iba kahit ang kapalit nito ay sariling buhay.” ani Fernando.

“Upang makatulong na rin po tayo na maibsan kahit papano ang lungkot at intindihin ng kanilang mga pamilya, personal ko na pong inayos ang mga kailangan para sa kanila; dinala na po natin ang kanilang mga labi sa Glory To God Funeral Services sa Barangay Balite, San Miguel.” dagdag niya pa.

Nagbigay din ng mensahe ang bise gobernador na si Alex Castro at nangako ito na hindi niya hahayaan na mapunta sa wala ang sakripisyo ng limang rescuer.

“Masakit rin po sa akin na mawalan ng mga katuwang at kaagapay sa pagpapanatili ng kaligtasan ng ating mga Bulakenyo. Sila po ang mga tunay na bayani ng ating lalawigan. Hindi ko po hahayaan na mapunta sa wala ang kanilang sakripisyo.” aniya.

Maliban sa tulong ni Fernando ay ibibigay din ng Provincial Government ng Bulacan ang nararapat na benepisyo para sa pamilya ng limang rescuer.

Nakilala ang lima na sina George E. Agustin, 45, ng Calumpit; Troy Justin P. Agustin, 30, ng Sta Rita, Guiguinto; Marby A. Bartolome, 36, ng Bulihan, City of Malolos; Jerson L. Resurreccion, 32, ng Barangay Catmon, Sta Maria; at Narciso Calayag ng Malolos City.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular