Hindi ikinatuwa ng ilang netizens at celebrities ang naging timing ng pagpo-post ng ‘vlog’ ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Matatandaan na ibinahagi ni Marcos Jr. ang kanyang vlog 226 kung saan ay ikinuwento niya ang kanyang mga naging aktibidad sa kanyang naging pagpunta sa New York mula Septyembre 18 hanggang 24.
Tumaas naman ang kilay ng ilang kritiko ni Marcos dahil ibinahagi niya ito sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding sa bansa.
BBM Vlog 226: New York, New York
Matagumpay ang ating biyahe sa New York!
Mula sa pagdalo sa UN General Assembly, mga business roundtable meetings at ang pakikipagkita sa Filipino community dito, ako ay nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap sa ating delegasyon.
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) September 25, 2022
Ilan sa mga celebrities na nagbigay ng reaksyon sa vlog ni PBBM ay sina Agot Isidro, Jerry Gracio
“Dahil sa #KardingPH, busy ang PAG-ASA, busy ang NDRRMC, busy ang DSWD, busy ang Governors, Mayors, Barangay Captains. Jusko, si Alvin at si Doris, kanina pa sa Teleradyo- Ang Presidente mo: Nag-vlog ng biyahe sa New York.” ani Gracio.
“Number one, sinungaling; pangalawa, in the difficult moments, nagva-vlog siya,” dagdag pa niya.
Dahil sa #KardingPH, busy ang PAG-ASA, busy ang NDRRMC, busy ang DSWD, busy ang Governors, Mayors, Barangay Captains. Jusko, si Alvin at si Doris, kanina pa sa Teleradyo–
Ang Presidente mo: Nag-vlog ng biyahe sa New York.
— Jerry B. Grácio (@JerryGracio) September 25, 2022
Number one, sinungaling; pangalawa, in the difficult moments, nagva-vlog siya.
— Jerry B. Grácio (@JerryGracio) September 25, 2022
“Buwis buhay sa set. Habang iba, busy sa vlogging.” sabi naman ni Agot.
Buwis buhay sa set.
Habang iba, busy sa vlogging. 👏🏼👏🏼👏🏼 pic.twitter.com/u8iK4zLP0t
— Agot Isidro (@agot_isidro) September 25, 2022
“Your fellow Filipinos are bound to danger and struggling because of Typhoon Karding and you uploaded a vlog?! Where is the sense of responsibility and humanity?” wika ni @iflykrnjn.
You are insensitive, irresponsible, and apathetic. Your fellow Filipinos are bound to danger and struggling because of Typhoon Karding and you uploaded a vlog?! Where is the sense of responsibility and humanity? #NasaanAngPangulo #KardingPH https://t.co/yu4eSdQIq4 pic.twitter.com/VIBVYCE2kB
— max (@iflykrnjn) September 25, 2022
Nilinaw naman ng kampo ni Marcos na hindi lang pagba-vlog ang pinagka-abalahan ng pangulo at nagta-trabaho ito sa gitna ng pananalasa ng bagyo.
Ilan sa mga pinag-utos ni Marcos ay ang:
— Activation of the DA’s Regional Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operation Centers;
— Prepositioning of seeds for rice and corn, drugs and biologics for livestock and poultry in safe storage facilities;
— Coordination with the Local Government Units (LGUs), and other Regional DRRM-related offices in the monitoring of Super Typhoon Karding;
— Continuous dissemination of advisory to the Animal Protection and Council Office (APCO), LGUs, and farmer leaders for them to disseminate the same information to the community and local farmers for their farm operation activities; and
— Monitoring of the actual field situation for possible damage and losses that may be incurred in crops, livestock, and fisheries.