Mamamahayag na si Louie Larosa na nakita na diumanong ‘bumabatak’ sa ilang footage, negatibo sa test ng PNP

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga kumakalat na footage ng diumano’y mamamahayag na si Louie Larosa na kasalukuyang anchor sa isang kilalang radio station sa Palawan.

Ibinahagi ng komentarista na si Tommy Abile ang diumano’y mga footage ni Larrosa upang kwestyunin ang kredibilidad nito bilang mamamahayag.

Ayon kay Abile ay si Larosa diumano ang nag-interview kay ‘Alyas Nicole’ na inakusahan ang komentarista ng pagpapakalat ng maling balita tungkol kay Jovelyn Galleno.

Bilang ganti ay ibinahagi ng komentarista ang ilang footage kung saan makikita diumano si Larrosa habang ‘bumabatak’ sa loob ng kotse at sa isang kwarto.

“Naniniwala pa ba kayo diyan? Kung paniniwalaan niyo pa yan ay nakakasira na ‘yan sa larangan namin,” sabi ni Abile.

Naglabas naman ng pahayag ang Radyo Bandera kung saan ay nangako sila na hindi nila kukunsintihin kung may ginawa mang iligal ang kanilang radio anchor.

Sinabi rin nila na negatibo sa test si Larosa na ginawa ng PNP at ng isang private laboratory.

“Radyo Bandera Management strongly condemns illegal activities and does not tolerate any staff and personnel involved in such. As a matter of fact, the employees are yearly required to submit health exams,” sabi ng Radyo Bandera.

“Ka Louie may have done mistakes, like all of us does, but he already had his fair share of consequences,” dagdag pa nila.

Samantala ay naghahanda rin sila ng kaso laban sa mga diumano’y naninira kay Larosa, kasama na dito si Abile.

Sinagot naman ni Abile ang pahayag ng Bandera at sinabi na bakit siya kakasuhan sa kanyang inilabas na ipormasyon tungkol sa diumano’y iligal na aktibidad ni Larosa.

Facebook Comments