Karen Davila, nanawagan sa mga netizens para tulungan ang matandang street sweeper na inararo at tinakbuhan ng SUV

Usap-usapan ngayon sa social media ang nangyaring pag-araro ng isang SUV sa matandang street sweeper na si Doreen Bacus.

Nitong Septyembre 24, kumalat sa social media ang isang CCTV footage kung saan makikita ang pag-araro ng puting SUV sa 63-anyos na matanda sa BF Homes Paranaque.

Sinubukan pa diumanong takasan ng driver ng SUV ang matanda ngunit sa kabutihang palad ay naharangan ito ng mga otoridad.

“The driver was apprehended by responding police, tanods and security guards and is currently detained at the Parañaque Traffic Management Bureau for investigation. We hope the driver is punished by the full extent of the law as this will set an example to others not to take the roads for granted,” sabi ng netizen na si Paolo Marquez.

Kilala ang biktima sa pagiging masipag at masiyahin sa kaya naman agad na kumalat sa social media ang nangyaring insidente.

Isa si Karen Davila na isa sa mga kilalang residente ng BF Homes ang nanawagan sa mga netizens na tulungan ang matanda.

“Sharing this as it happened at 5:30 AM today Sept 24, 2022 in our BF Homes Parañaque Community. Atrocities like this need to STOP.” ani Davila.

“And the victim, Lola Doreen needs our help,” dagdag niya pa.

Paghingi ng tulong ni Karen Davila sa mga netizen
Larawan mula kay Karen Davila/Instagram

Nakatulong naman ang panawagan ni Davila dahil sa madaming netizen ang nagmagandang loob na tulungan ang matanda.

Kasalukuyang nasa Philippine General Hospital ang biktima at nagpapagaling.

 

Facebook Comments