Court of Appeals, binasura ang kahilingan ni Vhong Navarro na baliktarin ang kasong kinakaharap niya

Hindi pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang kampo ni Vhong Navarro na ibasura ang kasong isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Sa desisyon na inilabas ng CA nitong Septyembre 25, ibinasura nila ang motion for reconsideration upang baliktarin ang naging utos ng Taguig Office of City Prosecutor para sampahan ng kaso si Navarro.

Ayon sa korte ay kinakailangan na maimbestigahan kagad ng korte ang mga suspek katulad ni Navarro.

vhong navarro deniece cornejo

“The reason for this rule is that the accused has an adequate remedy at law by establishing as a defense to the prosecution that he did not commit the act charged, or that the statute, on which the prosecution is based, is void, and, in case of conviction, be taking an appeal. Public interest requires that criminal acts be immediately investigated and prosecuted for the protection of society,” ayon kay Associate Justice Florencio Mamauag, Jr.

Sinabi rin ng CA na mas mainam na patunayan na lamang ni Navarro sa mga darating na pagdinig kung wala ba talagang kredibilidad ang complainant na si Cornejo.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung aalisin na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro matapos ang naging desisyon ng CA.

Wala pang pahayag ang kampo ni Navarro sa naging desisyon ng korte.

Facebook Comments