HomeCelebritiesSass Rogando Sasot may sagot sa tagasuporta ni PBBM: 'Paano mo ipapaliwanag...

Sass Rogando Sasot may sagot sa tagasuporta ni PBBM: ‘Paano mo ipapaliwanag ang sosyalan sa gitna ng kahirapan?’

Sinagot ng international relations expert na si Sass Rogando Sasot ang isang tagasuporta ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na pinupuna siya dahil sa pambabatikos nito sa ilang aktibidad ng presidente sa kanyang pagbisita sa New York.

Matatandaan na binatikos ni Sasot ang pagpunta ni Marcos sa isang concert habang siya ay nasa Amerika.

READ MORE: Sass Rogando Sasot at ilang netizens, binatikos ang pagpunta sa concert ni PBBM sa US

Nitong Septyembre 23, ibinahagi ni Sasot ang isang mensahe sa kanya kung saan ay sinasabi na may ilan ng bumabatikos sa tila labis na social activities ng pangulo.

“Akala ninyo wala akong pinaghuhugutan??? Not the first message I received about this. Sige images pa ng party at sosyalan.” sabi ng eksperto.

Ilang tagasuporta naman ni PBBM ang hindi nagugustuhan ang ginagawang pamumuna ni Sasot sa presidente.

Isa na rito ang Facebook page na si ‘Bagong Bansa Magkaisa’ na kinuwestiyon si Sasot kung bakit ang ‘pagmumura’ noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nito pinuna.

“Ohhhh. Di ka nga umimik noon na may estudyante rin na nagsabi na ang presidente nga nagmumura eh. Ok ka lang?” sabi ng tagasuporta ni BBM.

Sinagot naman ito ni Sasot at sinabi na mas madaling ipaliwanag ang pagmumura ng dating pangulo kaysa sa mga labis na social activities ni PBBM.

“Nagmumura ang presidente dahil sa galit sa nangyayari sa ating Bayan. Mas madaling ipaliwanag. Pero papaano mo ipapaliwanag ang sosyalan sa gitna ng kahirapang dinadanas ng bayan? Aberr?” tanong ni Sasot.

Paliwanag ni Sasot ay maituturing na ‘sosyalan’ ang ginawang pagpunta ni PBBM sa New York kung siya ang tatanungin.

Nagbabala rin si Sasot na maaring gamitin laban kay PBBM ang kanyang mga ginagawang social activities.

“If I were your enemy, I will not stop you and will just let you keep on feeding the public with those images.” aniya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular