‘British Filipino-at-Heart’ Malcolm Conlan may open letter kay Greta Thunberg: “Do not speak about anything that you know absolutely nothing about.”

Nagsulat ng isang open letter ang briton na si Malcolm Conlan para sa climate activist na si Gretha Thunberg.

Nitong Septyembre 21 ay naglabas ng isang video message si Thunberg kung saan ay binatikos nito si Marcos at nagpakita ng suporta sa mga biktima ng martial law.

“There can be no climate justice under Marcos … we stand in solidarity with the martial law victims seeking justice and the human rights defenders pursuing the democratic rights of people and climate justice,” ani Thunberg sa kanyang post.

Agad na nakarating sa mga tagasuporta ni Marcos ang mensahe ni Thunberg kasama na dito si Conlan.

Sa kanyang open letter, pinuna ni Conlan na may palayaw na ‘British Filipino-at-Heart’ ang tila pangingialam ni Greta kahit na hindi naman nito alam ang nangyayari sa Pilipinas.

FdKRCfWWAAEK0a
Larawan mula kay Mitzi Jonelle Tan @mitzijonelle/Twitter

Sinabi pa ng Briton na ang mga pinapakialaman na isyu ni Thunberg ay nangyari noong panahon na hindi pa siya pinapanganak.

“With the greatest respect, how old are you? These events which you have completely misunderstood happened long before you were even born!!! You say there could be no climate justice under Marcos?” tanong ni Conlan.

“Maybe you were asleep or blinded by ignorance during the UNGA where President Bongbong Marcos specifically addressed the issue of climate change in his recent speech? The President actually shares your concerns over the effects of climate change to the Philippines and her people.” dagdag niya pa.

Hindi rin nagustuhan ni Conlan na hindi man lang tinawag na ‘President’ ni Thunberg si Marcos.

Nilinaw naman ni Conlan na mayroon siyang mga kamag-anak sa Pilipinas kaya’t may karapatan siya na magsalita tungkol sa nangyayari sa bansa.

Pinayuhan na lamang nito ang aktibista na huwag na lamang magsalita sa mga isyu na hindi naman niya talaga alam.

“So with only the greatest respect, I would ask that you continue to campaign for your own advocacy and do not speak about anything that you know absolutely nothing about.”

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 4,200 reactions at 640 shares ang nasabing post

Matatandaan na si Conlan din ang bumatikos sa blogger na si ‘Project Nightfall’ noon dahil sa pagsasalita nito tungkol sa pagpili ng mga Pilipino kay Marcos.

READ MORE: ‘British Filipino-at-heart’ may open letter kay Project Nightfall: “You have no right to make money,”

Humingi naman ng paumanhin si Project Nightfall sa kanyang inilabas na video.

Facebook Comments