Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesIlang aktibista, nag rally sa loob ng building kung saan nakatakdang magsalita...

Ilang aktibista, nag rally sa loob ng building kung saan nakatakdang magsalita si PBBM sa New York

Ilang grupo ng mga youth activist ang nagsagawa ng isang ‘lightning rally’ sa loob ng Asia Society sa New York kung saan nakatakdang magsalita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa video na ibinahagi ng GMA News ay makikita ang ilang mga kabataan na humiga at sumigaw ng ‘Never Again to Martial Law’ ng paulit ulit upang ipakita ang kanilang galit kay PBBM.

Agad naman silang pinaalis ng mga security personnel ng nasabing building.

Matatandaan na mayroong mahigit 400 na mga aktibista ang nagtipon sa Asia Society upang ipakita ang kanilang pagkondena kay Marcos.

Binatikos din nila ang Asia Society dahil sa pagbibigay diumano ng pagkakataon kay Marcos na magsalita.

Hindi naman naiwasan ng ilang netizens na batikusin ang ginawa ng mga aktibista.

“Unless this event with Ferdinand Marcos Jr. is revoked, we are boycotting events at Asia Society, and we will refuse to speak at their events and will relay this boycott to fellow writers, artists and scholars to make clear to Asia Society that their actions are harmful to our community of Asian American Pacific Islanders,”  sabi ng mga nagra-rally.

“They were not born yet when ML happened. How could they be so passionate about it? There must be a hefty pay check for staging such shameless act in public.” sabi ni netizen Boyet Duro.

“Never again Never again to people pretending to be knowledgeable about things they only learned from one sided truth!” wika ni John Alexz Diaz.

Ngunit may nagsasabi na maaring kamag-anak nila ang biktima ng martial law.

“Hindi niyo po sila masisisi kung isa sila sa mga kamag-anak ng mga taong nadamay nung panahon ng martial law,” ani James Andrade.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular