Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesLegendary OPM artist Jim Paredes, nagpakita ng suporta kay Kat Alano

Legendary OPM artist Jim Paredes, nagpakita ng suporta kay Kat Alano

Nagpakita ng suporta ang legendary OPM artist na si Jim Paredes sa VJ na si Kat Alano.

Ito’y sa gitna ng pambabatikos na natatanggap ng VJ mula sa ilang tagasuporta ni Vhong Navarro na diumano’y pinapatamaan ni Alano.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Paredes na naniniwala siya sa mga sinasabi ni Alano laban kay #RhymesWithWrong na matatandaang inakusahan niya ng panghahalay sa kanya noon.

“I believe you Kat,” ani Paredes.

Ibinahagi naman ni Alano ang nasabing pagpapakita ng suporta ni Paredes sa kanya.

Matatandaan na noong 2014 sa gitna ng isyu at mga kaso na kinakaharap ni Vhong Navarro ay ibinunyag ni Alano na siya ay biktima rin ng panghahalay.

Ngunit hindi katulad nila Deniece Cornejo, Roxanne CabaƱero at Mai Fajardo ay hindi ito nagsampa ng kaso laban sa kanilang inakusahan, mas pinili na lamang ni Alano na hindi magsampa ng reklamo.

READ MORE: Listahan ng ilang kababaihan na nagsampa ng reklamo laban kay Vhong Navarro

Ayon kasi sa kanya ay makapangyarihan ang mga nasa paligid ni #RhymesWithWrong.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular