HomeCelebritiesKat Alano sa gitna ng pagtatanggol kay Vhong Navarro ng asawa niya:...

Kat Alano sa gitna ng pagtatanggol kay Vhong Navarro ng asawa niya: “BABAE pa talaga ang lumalaban sa kanya!”

Ikinalungkot ng aktres na si Kat Alano ang pambabatikos na kanyang natanggap sa social media kada siya ay magsasalita tungkol kay #RhymesWithWrong na isang kilalang aktor.

Matatandaan na tuwing may nangyayari sa kaso ni Vhong Navarro ay bigla ring maglalabas ng kanyang mga mensahe si Alano kaya’t ang ilang netizen ay tila alam na kung sino ang binabangit ng VJ.

Dahil dito ay ilang fans din ni Navarro ang binabatikos si Alano.

Nagbigay naman ng tugon ang VJ at sinabi na ilang taon niyang tiniis ang pambabatikos mula sa mga fans ni Navarro kada magsasalita siya tungkol kay #RhymesWithWrong.

“Ang daming galit. Binayaran daw ako, laos na daw ako, sawsawera. 8 years na ako nagsasalita. Puro bashing lang ang natanggap ko.” ani Alano.

“Sa tingin niyo worth it magsalita para inaabuso ako ng mga fans niya? Sa tingin niyo lalaban talaga ang ibang victims pag nakita nila ugali niyo!” dagdag niya pa.

Nagbigay din ng reaksyon si Alano sa diumano’y ‘babae’ na ipinagtatangol pa si #RhymesWithWrong na nambiktima rin ng mga kababaihan.

Matatandaan na kahapon ay naglabas ng pahayag ang asawa ni Navarro na si Tanya Bautista kung saan ay ipinagtanggol niya ang aktor.

“And ang nakakalungkot pa, BABAE pa talaga ang lumalaban para sa kanya. Hindi niyo naiisip ang mga kapwa niyong babae? Akala niyo madali to? Wala akong media company. Wala akong team. Wala akong bayad.” sabi ng VJ.

“Truth lang ang meron ako. Alam ko galit kayo, pero magisip din kayo.” dagdag niya pa.

Ilang netizen naman ang hinimok si Alano na magsampa na ng pormal na reklamo laban kay #RhymesWithWrong.

Wala pang tugon si Alano kung babasagin niya na nga ba ang kanyang katahimikan.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular