Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus, ipinagtanggol ang aktor:...

Dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus, ipinagtanggol ang aktor: “Standing by this GOOD MAN!”

Nagpakita ng suporta ang dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus sa gitna ng kinakaharap ngayon na kaso ng aktor.

Sa kanyang post sinabi ni Lapus na hindi man perpektong tao si Navarro ay naniniwala siyang mabuti itong tao at inosente sa mga ibinibintang laban dito.

“Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind-hearted man. Otherwise, it won’t be easy for me to become friends and co-parent with him. The truth will prevail. Walang iwanan.” ani Lapus.

Noong 2005 nag-file ng annulment si Navarro laban kay Lapus at binigyang bisa naman ito ng korte noong 2008.

Ngunit naging maganda naman ang kanilang relasyon bilang magkaibigan at co-parent sa kanilang anak na si Vhong.

Matatandaan na maliban kay Deniece Cornejo ay may ilan pang mga kababaihan ang nagsampa ng kaso noon laban kay Navarro ngunit bigo silang mapatunayan ang kanilang mga akusasyon.

READ MORE: Listahan ng ilang kababaihan na nagsampa ng reklamo laban kay Vhong Navarro

Sa ngayon ay nasa kudstodiya parin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro at isinusulong na ilipat siya sa totoong selda sa Taguig.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular