Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesListahan ng ilang kababaihan na nagsampa ng reklamo laban kay Vhong Navarro

Listahan ng ilang kababaihan na nagsampa ng reklamo laban kay Vhong Navarro

Usap-usapan ngayon sa social media ang aktor na si Vhong Navarro matapos buhayin ng Court of Appeals (CA) ang mabibigat na kasong isinampa laban sa kanya.

Ang mga sumusunod na indibidwal ang nagsampa ng reklamo o nag-akusa kay Vhong ng diumano’y panghahalay sa kanila:

Deniece Cornejo
Case Status: Ongoing

Noong 2014 ay naging usap-usapan sa social media at mga pahayagan ang ‘condo issue’ kung saan sangkot si Cornejo at Navarro.

Nagsampa ng reklamo si Cornejo noong taong din na ‘yon laban kay Navarro ngunit matapos ang ilang buwan ay ibinasura rin ng Department of Justice (DOJ) sa pamumuno ni dating Sen. Leila de Lima ang kaso.

“Since Complainant CORNEJO was unable to provide a logical story, the Panel found no probable cause to indict NAVARRO,” ayon sa desisyon ng DOJ noong Abril 10, 2014.

Ikinagulat naman ng publiko dahil noong Agosto 2022 ay ipinag-utos ng CA sa DOJ na kailangan muli nilang buhayin ang kaso na isinampa ni Cornejo laban kay Navarro.

Ayon sa CA ay walang basehan ang DOJ na ibasura ang reklamo ni Cornejo dahil lamang sa hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ng complainant.

Roxanne Cabañero

Case Status: DISMISSED

Inakusahan noon ng beauty queen na si Roxanne Cabañero si Navarro ng panghahalay noong 2010 noong siya ay kandidata ng Miss Bikini Philippines Pageant.

Ibinasura noong 2014 ang kaso ng DOJ sa ilalim ng pamumuno ni dating Sen. De Lima dahil sa diumano’y magulo nitong pahayag tungkol sa kwento

Isa pa sa mga napuna ng mga tagasuporta noon ni Navarro ay ang pagkalimot ni Cabañero sa eksaktong petsa kung kailan siya diumano hinalay ng aktor.

Paliwanag naman ni Cabañero ay nakalimutan niya na ang eksaktong petsa dahil sa matagal na itong nangyari.

Ginawa pang katatawanan ng programa ng ABS-CBN noon na ‘Banana Split’ ang isa sa mga panayam noon kay Cabañero.

Labis na nakaapekto sa career ni Cabañero ang pagsasampa niya ng reklamo laban kay Navarro kung saan ay umalis ito bilang contestant ng Miss World Philippines at nakasuhan pa siya dahil dito.

Margarita ‘Mai’ Fajardo

Case Status: DISMISSED

Noong 2014 ay kinasuhan ni Margarita ‘Mai’ Fajardo, isang body double si Navarro kung saan ay hinalay diumano siya ng aktor noong 2009.

Ayon sa salaysay ni Fajardo ay nangyari ang panghahalay sa loob ng SUV ni Navarro kung saan ay sinabihan siya ng: “Ang ganda ganda mong tibo. Dapat makatikim ka ng tunay na lalaki para di ka na maghanap ng babae,”

Ipinakita pa diumano ni Navarro kay Fajardo ang kanyang ‘birdie’ na diumano’y maliit at hindi pa ‘nababalatan’.

Ibinasura naman ng Quezon City Prosecutor’s Office ang isinampang kaso ni Fajardo laban sa aktor dahil wala daw itong ‘probable cause’.

Ayon sa korte ay walang ebidensiya si Fajardo na pinilit siya ni Navarro.

Sa ilang ulat ay binawian ng buhay si Fajardo noong 2018 dahil sa nadulas ito sa banyo.

RUMORED: Kat Alano

Noong 2015 ay nagsulat ng isang open letter si Kat Alano laban kay dating Justice Secretary Leila de Lima kung saan ay inireklamo niya ang hindi pagpansin sa kanya ng dating kalihim.

Ayon kasi kay Alano ay mayroong isang ‘kilala’ at ‘makapangyarihang’ personalidad na bumiktima sa kanya.

Sagot naman ni De Lima noon ay magsampa na lamang ito ng reklamo laban sa diumano’y nanghalay sa kanya.

Noong 2020 ay nag-viral muli si Alano matapos niyang magbigay ng isa pang karagdagang ‘clue’ tungkol sa kung sino ang humalay sa kanya.

Itinago na lamang niya ito sa pangalan na #RhymesWithWrong.

Maraming netizens ang hinulaan na ang binabangit ni Alano ay si Vhong Navarro.

Hindi naman ito direktang kinumpirma ni Alano ngunit kapag may nangyayari sa kaso ni Navarro katulad nitong Septyembre ay hindi maiwasan ng VJ na maglabas ng pahayag.

Kasabay ng pagsuko ni Navarro sa NBI ay nagbahagi ng isang tweet si Alano.

“After 17 years… Finally a glimpse of justice. People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim? Think about what you did to her if that was the truth.” ani Alano.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular