Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesKontrabida sa 'Ang Probinsyano' na si Dindo Arroyo, hinuli ng mga otoridad

Kontrabida sa ‘Ang Probinsyano’ na si Dindo Arroyo, hinuli ng mga otoridad

Ikinagulat ng mga fans ng ‘Ang Probinsyano’ ang pagkakahuli sa aktor na si Dindo Arroyo na naging kontrabida sa nasabing programa.

Gumanap si Arroyo bilang si ‘Guillermo Acosta’ sa nasabing programa.

Hinuli nitong Septyembre 21 si Arroyo sa Biñan Laguna dahil sa kasong cybercrime na hindi naman malaman kung ano.

Nahaharap ang aktor sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at mayroong itong inirekomenda na P10,000 sa bawat kaso.

Sa ngayon ay nasa BJMP Biñan City parin si Arroyo.

Hindi naman malaman kung ano ang ginawa ni Arroyo upang makasuhan siya ng Cybercrime.

Ngunit ayon sa pulisya na ang pagkakahuli kay Arroyo ay nagpapatunay lamang na “walang pinipili” ang batas.

Hinihintay naman ng mga netizens ang magiging pahayag ni Arroyo tungkol sa kaso.

Maliban sa Ang Probinsyano ay lumabas din sa madaming pelikula ang aktor.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular