Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesKat Alano binatikos sa pagsasalita niya sa gitna ng nangyari kay Vhong:...

Kat Alano binatikos sa pagsasalita niya sa gitna ng nangyari kay Vhong: “Sobrang backwards pa rin ang mentality ng marami”

Ikinalungkot ng VJ na si Kat Alano ang pambabatikos na kanyang natanggap mula sa mga netizens simula ng maging matunog muli ang kanyang pangalan dahil sa nangyayari ngayon sa aktor na si Vhong Navarro.

Sa kanyang tweet, tinawag ni Alano na ‘backward’ ang mentalidad ng ilan sa mga netizens na tila inaakusahan pa siya ng pakikisabit sa isyu ni Vhong.

Isang netizen pa nga ang sinabi kay Alano buti at binuhay pa siya ng taong gumawa sa kanya ng kahalayan.

“Wow, some of these people bashing me… Guys sobrang backwards pa rin ang mentality ng marami.” ani Alano.

Ilang netizens naman ang sinabi na huwag na lamang pansinin ni Alano ang mga bumabatikos sa kanya.

“Wag mo po silang pansinin ma’am. panalangin na lng natin na sana d mangyari sa kanila ang nangyari sa inyo. at if ever man malagay sila sa position mo, sana lang talaga may makinig sa kanila at handang maniwala. God is good po kaya truth will always prevail!” sabi ni @yukanna_

Sa ngayon ay hindi pa direktang sinasabi ni Alano kung si Vhong nga ba ang kanyang pinaparingan na celebrity, ngunit maraming netizens ang ‘gets’ na ang sinasabi ng aktres.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular