Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaDiskarteng malupit! Grade 11 student, nagtitinda ng taho bago pumasok sa eskwela

Diskarteng malupit! Grade 11 student, nagtitinda ng taho bago pumasok sa eskwela

Inulan ng papuri mula sa mga netizens ang isang estudyante sa Cebu City na namataan na nagtitinda ng taho habang siya ay papunta sa kanyang eskwelahan.

Nakilala ang estudynte na si Gurprit Paris D. Singh, na isang grade 11 student.

Ayon sa kay Gurpit ay maaga pa lamang ay naghahanda na sila ng kanyang ina sa ititinda niya na taho at maaga niya rin itong inilalako upang sa hindi siya mahuli sa kanyang klase.

Pangarap ni Gurpit na maging Civil Engineer pagdating ng panahon kaya naman todo kayod siya upang matupad ang kanyang kagustuhan.

Ibinahagi ng netizen na si Jhap Tarog ang video ni Gurpit habang soot soot niya ang kanyang uniporme habang nagtitinda ng taho.

Ibinahagi naman ng mga netizens ang kanilang komento sa kasipagan ng binata.

“Sa panahon ngaun,kanya-kanyang diskarte basta kaya.proud ang mga magulang mo sau.wag ka magbabago kung makatapos ka at makatulong sa mga magulang at kapatid.god bless you Gopi,” sabi ni netizen Venus Nuelan.

“Seeing those young individuals working so hard is overwhelming. You must put up with the discomfort because life outside is difficult if you want to succeed. Future success is almost certainly going to belong to those who can. Keep it up hopes that these images would encourage others to contribute financially. I understand that we are all struggling at this time, which is why this student took the initiative to help in his own way. Mabuhay and asenso pa more!!!” komento ni Joseph Ariate.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular