Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsRep. Bosita at Rep. Gatchalian, nagharap sa usapin tungkol sa NCAP at...

Rep. Bosita at Rep. Gatchalian, nagharap sa usapin tungkol sa NCAP at batas ng mga LGU sa trapiko

Nagharap sa kongreso si 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita at Valenzuela 1st District Rep. Rex Gatchalian tungkol sa usapin kapangyarihan ng mga LGU pagdating sa pagtatakda ng pakaran sa batas trapiko at No-Contact Apprehension Policy (NCAP) na ipinapatupad sa ilang lugar.

Ayon kasi kay Bosita ay isa sa mga pahirap sa mga pobreng rider ang mga magulong iba ibang batas trapiko na ipinapatupad ng mga LGU.

Nagbigay naman ng tugon si Gatchalian at sinabi na binigyan naman ang mga LGU ng kapangyarihan sa saligang batas na gumawa ng mga batas trapiko na angkop sa kanilang lugar.

“A ordinance or a local law is considered valid until they challenged in court, pwede namang dalhin ng 1-Rider party-list ang mga indibidwal na traffic ordinances ng bawat siyudad sa mga lokal na korte para malaman po natin kung nagba-violate po sila,” ani Gatchalian.

“So hindi po tama na paulit-ulit na sinasabi na ‘yun ang batas’ dahil ang batas sa RA 7160 o local government code ay devolved ang police powers at traffic management sa mga lokal na pamahalaan,” dagdag niya pa.

Matapos nito tinanong naman ni Gatchalian si Bosita kung pabor ba ito sa NCAP.

Sinagot naman ito ni Bosita at sinabi na papabor lamang siya sa NCAP kung maaayos ang sistema nito.

Ayon kasi kay Bosita ay pahirap ang kasalukuyang sistema ng NCAP para sa mga simpleng mamamayan.

Isa sa mga ibinigay nitong halimbawa ay ang hindi agad na pagpapadala ng notice of violation ng ilang LGU sa mga lumalabag sa kanilang batas trapiko na nagiging resulta ng pagpapatong patong ng multa.

Sa kanyang ibinigay na halimbawa ay umabot ng P90,000 ang hinihinging multa sa isang rider dahil sa paulit ulit niyang paglabag sa batas trapiko na hindi niya naman alam.

“Maganda ang NCAP, pabor tayo sa NCAP pero kung hindi mareresolba ang mga problema na dapat maisaayos muna tayo po ay tumututol sa pagpapatupad ng NCAP.” ani Bosita.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular