Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesOgie Diaz, may banat sa mga tugon ni Willie Revillame sa 'bashers'...

Ogie Diaz, may banat sa mga tugon ni Willie Revillame sa ‘bashers’ ng ALLTV: “Panunumbat ‘yun”

Sinagot ng talent manager na si Ogie Diaz ang tugon ni Willie Revillame sa kanya at sa iba pang mga bumabatikos sa naging opening ng AllTV nitong Septyembre 13.

Matatandaan na isa si Ogie sa mga pumuna sa opening ng AllTV dahil sa sound system na kanilang gamit.

“Nangiti lang ako nu’ng una, eh. Hanggang sa mapabungisngis na ako kalaunan habang pinanonood ang prod ng aking kumareng Toni. Ganitong-ganito ‘yung mga napapanood ko sa GMA Supershow ni Kuya Germs nu’ng araw.” sabi ni Ogie.

“Pero sana, mag-invest nang bongga sa sound system o sa recording. Baka kahit si Toni kung panonoorin uli ito, hindi niya ipagmamalaki yung performance niya, eh. Lalo na yung audio niya.” dagdag niya pa.

Nagbigay naman ng tugon si Willie sa pamamagitan ng kanyang programa at inamin na masama ang loob niya sa mga kritiko ng AllTV.

“Minsan nakakasama ng loob. Pinupuna pa yung pagkakamali namin. Mahirap magpuna ng pagkakamali ng kapwa mo, tingnan mo muna yung sarili mo, di ba? Wag na tayong pumupuna. Isipin mo yung ilang taong tinulangan ng station na ito.” sabi ni Wilie.

READ MORE: Ogie Diaz pinuna ang production number ni Toni Gonzaga sa AllTV: “Sana mag-invest nang bongga sa sound system”

Sa kanyang vlog, sinagot ni Ogie ang mga pahayag ni Willie at sinabi na hindi naman masama ang pagbibigay ng kritisismo lalo na kung para ito sa ikabubuti ng istasyon.

“Kuya Wil, ano ba dapat ‘yung pinupuna? ‘Yung tama o ‘yung mali? O ‘yung kulang o ‘yung kapos o ‘yung dapat sana ay mas maganda kung ito ‘yung gagawin? Siyempre naman, ‘pag kapuri-puri naman, pupurihin naman, Kuya Wil,” ani Ogie.

“Kung maganda ‘yung audio, sa palagay mo, hindi ko naman pupurihin ‘yon? Kung maganda naman ang sound system, sa palagay mo hindi ko pupurihin ‘yon? Kung maganda ba ‘yung backdrop o ‘yung stage design o ‘yung LED wall, hindi ko ba pupurihin? Siyempre pupurihin ko,” aniya.

“Constructive naman ‘yon, Kuya Wil. Sana marunong tayong tumanggap ng kritisismo lalo na’t ang tagal-tagal mo na sa industriya. Dapat alam mo na ‘yan,” sabi pa niya.

Tinawag rin ni Ogie na panunumbat ang sinasabi ni Willie na maraming matutulungan ang AllTV na mga kababayan nila.

“Tsaka ‘pag ganito ‘yung lagi nating sinasabi, ‘Yung may mga tao tayong tinutulungan dito sa istasyon na ‘to,’ panunumbat ‘yun,” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular