Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesKat Alano ipinaliwanag kung bakit hindi siya nagsampa ng kaso noon kay...

Kat Alano ipinaliwanag kung bakit hindi siya nagsampa ng kaso noon kay #RhymesWithWrong

Sa kasalukuyan ay may ilang netizens ang kinukwestiyon si Kat Alano kung bakit ba hindi ito nagsampa ng kaso laban sa diumano’y sikat at makapangyarihang personalidad na itinago niya nalang sa alyas na #RhymesWithWrong

Sa kanyang pahayag noong 2020, sinabi ni Alano na hindi niya na ginawa pang magsampa ng kaso laban sa sikat na personalidad dahil sa alam niya na maaring masira lamang ang pangalan niya at matalo.

Ayon kasi sa kanya ay isang makapangyarihang tao sa gobyerno ang kamag-anak ni #RhymesWithWrong noong mga panahon na siya ay hinalay nito.

“BTW, for everyone asking why I never filed. His uncle made sure that all cases against him would be dismissed. I found this out first hand. Also they have been waiting to file a case against me to silence me & discredit me in the media, knowing I could never get justice by filing,” ani Alano.

Tinanong din si Alano kung ano ba ang posisyon ng kamag-anak na ito ng celebrity at sinabi niya na lamang na kanang kamay ito ng isang dating pangulo.

Hindi naman pinangalanan ni Alano ang nasabing kanang kamay ng dating presidente.

Matatandaan na nagiging matunog ang pangalan ni Alano kapag may nangyayari sa kaso ng aktor na si Vhong Navarro.

Naglalabas din ng pahayag ang VJ tungkol sa ‘hustisya’ kada may mangyayari sa kaso ng aktor.

Hindi naman malaman kung ano ang koneksyon ni Navarro at Alano.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular