Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesJhong Hilario, Vice Ganda at iba pang host ng It's Showtime ...

Jhong Hilario, Vice Ganda at iba pang host ng It’s Showtime nagpakita ng suporta kay Vhong Navarro

Nagpakita ng suporta ang mga kasamahan ni Vhong Navarro sa noontime show na It’s Showtime sa gitna ng pagsuko nito dahil sa patong patong na kasong kinakaharap niya.

Nitong Septyembre 20 ay nagbigay ng mensahe ang ilang mga host ng It’s Showtime katulad nila Jhong Hilario at Vice Ganda para kay Vhong.

“Kuys Vhong, andito lang kami, kapit lang. We love you, Kuys Vhong,” ani Jhong.

Dahil dito ay hinimok ni Vice ang mga kasamahan niya na magyakap yakap upang ipakita ang kanilang pagsuporta kay Vhong na inaakusahan ng panghahalay ng ilang kababaihan.

“Yes, Kuys Vhong. Mag-group hug tayo para kay Vhong. We will all be praying for you, Vhong. We love you,”┬ásabi pa ni Vice.

Sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan ni Vhong lalo na’t mabigat na kaso ang kanyang kinakaharap.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vhong ngunit isinusulong ng kampo ng complainant na ilipat siya sa totoong selda.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular