Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesTaguig RTC, inilabas na ang 'no-bail' warrant laban kay Vhong Navarro

Taguig RTC, inilabas na ang ‘no-bail’ warrant laban kay Vhong Navarro

Tila hindi pa ligtas ang aktor na si Vhong Navarro sa posibilidad na siya ay maghimas ng rehas.

Nitong Septyembre 19 ay inilabas ng Taguig City Regional Trial Court Branch 69 ang isa pang warrant laban kay Vhong at sa pagkakataong ito ay wala ng piyansa na itinakda ang korte.

Nitong Lunes ay sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) rin si Navarro sa kasong acts of lasciviousness at matagumpay naman itong nakapagpiyansa ng P36,000.

Ngunit sa warrant ng Taguig RTC ay para naman sa kasong panghahalay na kinokonsidera na walang multa.

Sa ngayon ay nasa NBI parin si Navarro dahil sa inilabas na warrant ng Taguig RTC at maaring doon na magpalipas ng gabi.

Sa kanyang pahayag naman sinabi ni Navarro na wala siyang itinatago at kasama niya ang Panginoon sa laban niya.

“Wala akong tinago, sinabi ko lahat. Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo. Kaya ngayon ang bigat ng loob ko kasi, ba’t ganito? Para mabuhay [‘yung isyu], at the same time binabaliktad ka pa.” ani Navarro.

Matatandaan na noong 2014 ay ibinasura na ng Department of Justice (DOJ) ang mga kaso laban kay Vhong.

Ngunit nitong Agosto ay ipinagutos ng Court of Appeals (CA) na kailangang buhayin muli ang kaso laban sa aktor.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular