Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaPNP Chief Azurin, gustong ipalinaw kay VP Sara ang order nito na...

PNP Chief Azurin, gustong ipalinaw kay VP Sara ang order nito na “no mercy”: “Maraming konteksto kasi yan”

Binabalak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na makipagkita kay Vice President at Officer-in-Charge Sara Duterte upang pag-usapan ang paglaban sa mga masasamang elemento ng lipunan.

Isa sa mga gustong pag-usapan ni Azurin ay ang order ni Duterte na “no mercy” laban sa mga masasamang loob.

Ayon kasi sa kanya ay gusto niyang malinawan kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni Duterte na “no mercy” dahil marami daw itong maaring maging intepretasyon.

“Alam mo yung no mercy to criminals maraming konteksto kasi yan. Puwede naman na no mercy to criminals, hulihin natin, ipakulong natin. That’s part of the no mercy to criminal,” ani Azurin.

“Definitely I have plans to see our Vice President. Whether she is the OIC or not. Kasi naging busy lamang po ako sa nagdaang mga araw,” dagdag niya pa.

Inulit naman ni Azurin ang kanyang polisiya na susundin lamang nila ang basic rule of law ng PNP.

“Hindi naman ibig sabihin ay we go to the extent of yung mga insinuations nung iba. So sabi ko nga is those are subject to interpretations kaya ang sa atin very basic lang tayo, rule of law,” aniya.

Matatandaan na nakatanggap ng iba’t ibang reaksyon ang naging pahayag ni Azurin kung saan ay sinabi niya na wala silang balak na magpakalat ng takot sa mga masasamang loob.

“Sinasabi natin na we value the preservation of life and that hindi natin kailangan pagtatakutin ang mga kriminal,” ani Azurin.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular