Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaPamilya ni Jovelyn Galleno, may huling mensahe tungkol sa isyu: "Tanggapin natin...

Pamilya ni Jovelyn Galleno, may huling mensahe tungkol sa isyu: “Tanggapin natin ang naging resulta sa nangyari”

Naglabas na ng kanilang huling pahayag ang pamilya Galleno tungkol sa kaso ng pagkawala ng kanilang miyembro na si Jovelyn.

Sa isang pahayag, sinabi ni Jocelyn Galleno na naniniwala sila sa paliwanag ng mga eksperto na ang kalansay na itinuro ng suspek na si Leobert Dasmariñas ay si Jovelyn.

“We do appreciate na halos lahat kayo ay umaasang buhay pa sya at naiintindihan namin kung di parin ninyo ma accept na wla na si Jovelyn Galleno since kanlansay nalang ang natagpuan, but experts has a good explanation and reason bakit naging kalansay nalang ang natira.” ani Jocelyn.

“We should respect, since they are professional and we believe na they do their job very well. We would like to say thank you sa PNP for understanding sa paghingi namin ng 2nd opinion from the NBI manila, ginawa namin yon dahil narin naniniwala kami sa possibility na baka may chance na mabago ang resulta.” dagdag pa nila.

Hiniling ng pamilya Galleno na sana’y tanggapin na ng mga netizens ang katotohanan na wala na si Jovelyn.

Matatandaan na ilang vloggers, manghuhula at komentarista ang kinokontra ang resulta ng imbestigasyon ng PNP at NBI at sinasabi na buhay pa si Jovelyn.

“We’re hoping that all of you shall respect and accept the truth, para narin sa ikatatahimik ng aming pamilya at upang masamahan nyo kami sa aming panalangin kay Jovelyn Galleno, bagaman hindi naging katanggap tanggap ang resulta but we believe na ginawa na ng Pnp at nbi ang wastong pagiibestiga.” aniya.

Matatandaan na Agosto 5 ng ideklarang nawawala si Jovelyn na pumasok sa kanyang pinagtatrabahuhang mall noong araw na ‘yon.

Marami ang naniwala noon na hindi nakalabas ng mall si Jovelyn, ngunit sa tulong ng mga otoridad ay napatunayan na sumakay ng multicab ang biktima pauwi sa kanilang bahay.

Agosto 24 ay inamin ng pinsang buo ni Jovelyn na si Leobert Dasmariñas na inabangan nila ang biktima pauwi at doon ginawa ang masamang balak nila.

Dito na itinuro ni Leobert ang diumano’y pinagtapunan nila sa katawan ni Jovelyn kung saan tumambad ang isang buto.

Matapos ang ilang linggo ay binawi ni Leobert ang kanyang pahayag, ngunit napatunayan din sa DNA test na ang butong nakita sa lugar na itinuro ng suspek ay positibong si Jovelyn.

Nitong Septyembre 15 ay kinumpirma ng ikalawang DNA test na si Jovelyn talaga ang buto na nakita nila.

Sa ngayon ay haharap sa patong patong na reklamo si Leobert at wala narin itong suporta na matatanggap kay Sen. Raffy Tulfo dahil sa bagsak ito sa lie detector test.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular