Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesNO TATTOO! Baliwag Lechon Manok, binatikos dahil sa requirements nila para sa...

NO TATTOO! Baliwag Lechon Manok, binatikos dahil sa requirements nila para sa mga trabahador

Inulan ng batikos sa social media ang sikat na lechon manok brand na Baliwag matapos mag-viral sa social media ang kanilang diumano’y requirements sa mga aplikante nila na maituturing na ‘discriminatory’.

Sa larawan na ibinahagi ng Public Information Office – City of Baguio ay makikita na ang isa sa mga requirement nila bago makapasok sa Baliwag Lechon ay ang walang kahit anong tattoo.

Mapapansin na naka-highlight pa ang nasabing requirement upang ito ang unang mabasa ng mga netizens.

Inulan ito ng batikos sa social media lalo na sa mga residente ng Baguio dahil sa parte na ng kultura ng mga Igorot ang pagkakaroon ng tattoo.

“Public Information Office – City of Baguio hope you could also filter out discriminatory job vacancy posts. Tattoos are after all part of Cordilleran culture,” sabi ni AstroNorm Marigza.

“Vice President nga natin may tattoo eh. Siguro di siya qualified mag ihaw.” sabi ni Chace De Guzman.

“Purely discrimination etong requirements nyo. Please palitan nyo po yan. May tattoo po yung tao o wala. Good attitude parin po ang basehan sa excellent costumer service po.” wika ni Kurt Daryl.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Baliwag tungkol sa pagsikat nila sa social media.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular