Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesKat Alano, may post sa gitna ng pagsuko ni Vhong Navarro: "Finally...

Kat Alano, may post sa gitna ng pagsuko ni Vhong Navarro: “Finally a glimpse of justice”

Nagbigay ng kanyang reaksyon ang dating VJ na si Kat Alano sa gitna ng pagsuko ng host na si Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Septyembre 19 dahil sa ginawa niya kay Deniece Cornejo nitong 2014.

Sa kanyang tweet, nag-post muli si Alano tungkol sa ‘justice’.

“After 17 years… Finally a glimpse of justice. People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim? Think about what you did to her if that was the truth.” ani Alano.

Tila pinuna rin nito ang paggamit ng aktor ng Diyos para iproklama na siya ay inosente.

Matatandaan na sa kanyang panayam ay sinabi ni Navarro na kasama niya ang Diyos sa kanyang laban.

Hindi ako nawawalan ng pag-asa kasi nandito ‘yung legal team ko, nandito ‘yung family ko, nandito yung asawa ko. Ang Paginoon kasama ko dito sa laban na ‘to,” sabi ni Navarro.

Noong 2020 ay nag-viral sa social media si Alano dahil sa diumano’y pagiging biktima niya ng isang kilala at makapangyarihang celebrity.

Ipinaliwanag din nito kung bakit hindi siya nagsampa ng kaso laban sa celebrity noon.

“BTW,for everyone asking why I never filed.His uncle made sure that all cases against him would be dismissed.I found this out first hand.Also they have been waiting to file a case against me to silence me & discredit me in the media, knowing I could never get justice by filing.” wika niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular