Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesDennis Padilla may mensahe kay Julia Barretto: Hindi rin ako handang patawarin...

Dennis Padilla may mensahe kay Julia Barretto: Hindi rin ako handang patawarin ka

Tila hindi pa tapos ang pambabatikos ng aktor na si Dennis Padilla sa kanyang anak na si Julia Barretto.

Sa kanyang ngayo’y burado nang Instagram post, ibinahagi ni Dennis ang sama ng loob niya sa kanyang anak na si Julia.

“Pareho kami.. Di pa rin ako ready patawarin si Julia…” ani Dennis sa kanyang Instagram post.

Nitong nakaraan ay nagpakawala rin ng maanghang na mensahe si Dennis laban kay Julia.

“Nung malakas pa ako kumita at maliit kayo… Kanino ba naubos lahat? Sa inyo… Kasi gusto ko maginhawa ang buhay nyo,” sabi ni Padilla.

“14 times kami lumipat ng bahay… Tama Julia… Sino ba nagbabayad ng paglipat.. Ako yun!” dagdag niya pa.

Matatandaan na nag-umpisa na pag-usapan muli ang nasabing isyu sa pagitan ng mag-ama matapos sabihin ni Julia sa panayam sa kanya ni Karen Davila na hindi niya pa kayang patawarin ang kanyang ama na si Dennis dahil sa mga paulit-ulit nilang hindi pagkakaunawaan.

“It’s not difficult for us to forgive, but it’s difficult to really just… It’s not the forgiveness, it’s to forget. But there’s just a lot of fear because I don’t know what’s gonna happen. But forgiveness, of course, definitely, that’s for my own peace of mind, di ba?” ani Julia.

“I won’t lie, I mean, he’s tried. I’m just really not ready. I don’t wanna force myself also. Because if you force yourself, then it’s not genuine, hindi siya totoo. So, I want to get to a point na when we speak, it’s when I’m ready,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular