Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesAtty. Vince Tañada, pormal ng kinasuhan si Juliana Parizcova Segovia

Atty. Vince Tañada, pormal ng kinasuhan si Juliana Parizcova Segovia

Ipinaalam ni Atty. Vince Tañada, direktor ng pelikulang ‘Katips’ na pormal niya ng kinasuhan ng cyber-libel ang komedyante na si Juliana Parizcova Segovia.

Ayon sa ilang ulat ay inanunsyo ni Tañada na kahit ang mga co-producer niya sa ‘Katips’ ay mga abogado kaya naman hindi sila pumayag na hindi gamitin ang batas laban kay Segovia.

“’Yung mga co-producer natin sa pelikulang ito ay mga abogado rin, e, kaya nasaktan sila dahil libelous nga naman ‘yung sinabi ni Juliana Parizcova. Ang alam ko nai-file na nila ‘yun sa piskalya at hinihintay na lang natin ‘yung decision about that,” sabi ng direktor.

Matatandaan na nitong Agosto 3 ay sinabi ni Tañada na kakasuhan niya si Segovia dahil sa mga pahayag ng komedyante laban sa kanyang pelikula kahit na hindi naman siya parte ng karibal ng Katips na Maid in Malacañang.

Ibinahagi din ni Segovia ang post kung saan tila kinukuwestiyon ng komedyante ang FAMAS award na natanggap ni Tañada katulad ng Best Picture, Best Director, at Best Actor.

Ayon kasi kay Segovia ay direktor din ng FAMAS award si Tañada.

READ MORE: Atty. Vince Tañada ng ‘Katips’ balak kasuhan si Julia Parizcova Segovia: “Huwag po tayong mamihasa”

“Sana naman po, huwag po tayong mamihasa na hindi totoo lagi yung mga binabalita.” paumpisa ni Tañada sa panayam sa kanya ng DZRH.

“Kasi, iyan na po tayo nagiging kultura na po tayo ng fake news. Lalung-lalo na po yung mga nagpapakalat ay meron na po talagang imahe na puro peke ang mga ikinakalat na mga balita. Sana po, magkaroon na po ng aral yung mga nagpapakalat na ‘yan.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular