Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsPanukala na ideklara ang Agosto 18 bilang 'Robredo Day' sa Naga City,...

Panukala na ideklara ang Agosto 18 bilang ‘Robredo Day’ sa Naga City, aprobado na

Inaprubahan na sa ikatlong pagbasa ng kongreso ang panukala na ideklara ang Agosto 18 bilang pag-alala kay Jessie Robredo sa Naga City.

Sa tulong ng 248 na boto, tuluyan ng ipinasa ng kognreso ang House Bill 3973 o ‘Declaring August 18 every year a special non-working holiday in the City of Naga, Province of Camarines Sur, to be known as “Jesse M. Robredo Memorial Day,”

Sa ngayon ay ipinasa na sa senado ang kopya ng nasabing panukala.

Ayon sa nasabing panukala ay pagkilala ito sa pagiging isang mabuting lingkod bayan ni Robredo.

“Jesse Robredo served a total of 6 terms as a city mayor and a champion of transparency, government accountability, and citizen’s participation in governance,” ayon sa explanatory note ng nasabing panukala.

“Under his careful tutelage, Naga City flourished and gained international recognition as a model of effective and transparent local government,” 

“Jesse M. Robredo is and continues to be a stellar example of outstanding public service.” 

Ipinasa ni Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado Jr. ng Liberal Party ang nasabing panukala.

Matatandaan na nasawi si Robredo noon 2012 matapos bumagsak ang kanyang sinasakyang eroplano.

Siya ang asawa ni dating vice president Leni Robredo.

Wala pang tugon ang dating bise presidente sa pagkakapasa ng nasabing panukala sa kongreso.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular