Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesMystica, binatikos dahil sa panghihingi niya ng pagkain sa isang restaurant sa...

Mystica, binatikos dahil sa panghihingi niya ng pagkain sa isang restaurant sa Las Vegas

Inulan ng batikos sa social media ang dating aktres na si ‘Mystica’ matapos nitong manghingi ng pagkain sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagta-trabaho sa isang restaurant sa Las Vegas.

Sa kanyang video, makikita si Mystica sa Seafood City kung saan ay pumasok ito at nanghingi ng pagkain sa isang Filipino na nagtatrabaho doon.

“Ma’am baka pwede namang makahingi ng food, gutom na gutom ako wala pa kasi akong trabaho. Baka pwede kasi wala pa akong trabaho,” sabi ni Mystica sa OFW.

Sinabi naman ng OFW na bawal siyang mamigay ng pagkain dahil hindi naman siya ang may-ari ng restaurant.

Sagot naman ni Mystica ay kung pwede ay ibili na lamang siya ng OFW ng pagkain.

Pumayag naman ang OFW at sinabi na pagbibigyan niya na si Mystica.

Ngunit matapos nito ay sinabi ng dating aktres na nagbibiro lamang siya.

Hindi naman ito nagustuhan ng mga netizens at tinawag na ‘nakakahiya’ si Mystica dahil nagkalat pa ito sa Amerika.

Nilinaw naman ni Mystica na isa lamang social experiment ang kanyang ginawa, ngunit hndi naniwala ang mag netizens.

“Wow! Para paraan talaga! Experiment ba yan! Anyways sana lang after mo magpakilala ikaw na nagbayad ng food mo bakit kailangan i libre ka pa.” sabi ni Lory Lynn.

“Style nia bulok! buhay talaga paraparaan lang cia folks! with her image n status dito sa pinas jusko feeling talaga! budolera! Yan ang maabilidad!” ani ni Eduard Rebadomia Jr.

“Who do you think you are ? Taking advantage from those working ladies , standing there for 8 hours to have a decent income they are not even making minimum wage ….. shame on you mystica who ever you are… go back where you came from,” komento ni Mae Pittman.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular