Friday, September 30, 2022
HomePoliticsMayor Baste Duterte, may sagot sa netizen na kinuwestiyon kung livable city'...

Mayor Baste Duterte, may sagot sa netizen na kinuwestiyon kung livable city’ pa ang Davao

Sinagot ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte ang reklamo ng isang residente tungkol sa diumano’y kulang na suplay ng tubig sa kanilang siyudad.

Sa nasabing post, hindi naiwasan ng netizen na kwestiyunin kung ‘livable city’ parin ba ang Davao City sa sa ilalim ng kanyang pamumuno dahil sa hanggang sa ngayon ay wala paring suplay ng tubig sa kanila.

Ayon sa netizen ay kailangan pa nilang pumunta sa mga hotel upang makiligo at hindi sila makaluto dahil sa walang tubig.

Mas mainam diumano na tanggalin na lamang ni Duterte ang ‘Davao Life Is Here’ signage sa mga kalsada sa Davao dahil sa tila hindi na totoo na livable city ang siyudad.

“Yes, pogi ka pero wala ka naga work tarong. (Hindi ka maayos magtrabaho). Be proactive. Summon DCWD (Davao City Water District).”¬†sabi ng netizen.

Sinagot naman ito ni Duterte at sinabi na noon niya pa kinausap ang DCWD tungkol sa isyu.

Hati naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa sagot ni Duterte.

“How leaders respond to concerns and complaints reveals how quickly they turn to defense. Acknowledge the emotional aspects of the complaint. What good does it do responding to them with foul language? And just because you felt the tone of the complaint was disrespectful doesn’t mean you post a screenshot of what should’ve been a private message of a citizen merely wanting to voice out their struggle.” banat ng netizen na si May Anne Deseo.

Sinagot naman ito ni Duterte at sinabi na mayroon din siyang emosyon.

“Do you see any sentence or statement in any of my comments that I defended myself? No. Did the individual recognize or acknowledge that the person she messaged have emotions too? No. Stating that she “merely wanting to voice out their struggle” is an understatement if you really consider the words she used in that message.” ani Duterte.

“If you think that I posted this without knowing the reaction it will bring out then you are wrong. I posted this so that this interaction will come from me and will not be used against me. Simply because I want to throw b*llsh*t at people who talk b*llsh*t. If you ain’t vibin, you ain’t chillin.”¬†dagdag niya pa.

Ayon sa ilang ulat ay mayroon talagang problema ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Davao City.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular