Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesMarjorie Barretto, nagsalita na sa gitna ng alitan sa pagitan ni Julia...

Marjorie Barretto, nagsalita na sa gitna ng alitan sa pagitan ni Julia Barretto at Dennis Padilla: “I am so proud of you”

Binasag na ng dating aktres na si Marjorie Barretto ang kanyang katahimikan sa gitna ng alitan sa pagitan ng kanyang anak na si Julia Barretto at dating asawa na si Dennis Padilla.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Marjorie ang kanyang mensahe para kay Julia kung saan ay inihayag nito ang pagmamahal sa kanyang anak.

“Dearest Jul, I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you. Maybe you need to hear this today,I am so proud of you, Juli. I am so blessed to be able to call you my child.” ani Marjorie.

“Here we go again, back in our family bubble shutting off the noise outside. Only choosing to be grateful for the good things that is in front of us. Remeber Jul, God is all knowing.” dagdag niya pa.

Ilan sa mga nagpakita ng suporta kay Marjorie at Julia at si Mariel Rodriguez Padilla at Neri Naig-Miranda.

Matatandaan na nag-umpisa ang isyu sa pagitan ni Julia at Dennis matapos sabihin ng aktres na hindi niya pa handang patawarin ang kanyang ama.

READ MORE: Julia Barretto, tumanggi na patawarin ang amang si Dennis Padilla sa ngayon: “Im just not ready”

Tila hindi nagustuhan ni Dennis ang mga sinambit sa kanya ni Julia kaya naman idinaan nito sa social media ang sama ng loob niya sa kanyang anak.

Ayon kasi sa kanya ay tila pinapalabas ni Julia na wala siyang kwentang ama.

“Nung malakas pa ako kumita at maliit kayo… Kanino ba naubos lahat? Sa inyo… Kasi gusto ko maginhawa ang buhay nyo,” sabi ni Padilla.

“14 times kami lumipat ng bahay… Tama Julia… Sino ba nagbabayad ng paglipat.. Ako yun!” dagdag niya pa.

Wala pang tugon si Julia sa mga sinabi sa kanya ng kanyang ama.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular