Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesHinusgahan niyo ko! Mystica, naiyak na lamang matapos batikusin dahil sa kanyang...

Hinusgahan niyo ko! Mystica, naiyak na lamang matapos batikusin dahil sa kanyang ‘prank’ sa Amerika

Hindi naitago ng dating aktres na si ‘Mystica’ ang kanyang panlulumo sa mga nabasa niyang komento mula sa mga netizens.

Matatandaan na muli nanamang pinag-usapan sa social media si Mystica dahil sa kanyang ‘social experiment’ diumano sa Las Vegas kung saan ay sinubukan niyang manghingi ng pagkain sa mga kababayan niyang Overseas Filipino Worker (OFW) sa isang restaurant doon.

READ MORE: Mystica, binatikos dahil sa panghihingi niya ng pagkain sa isang restaurant sa Las Vegas

Ngunit imbis na maging maganda ang reaksyon mga netizens ay inulan pa ito ng batikos at kinuwestiyon kung totoo nga ba na ‘prank’ lamang ang panghihingi niya ng pagkain o totoong wala na siyang pambili.

Sa isang video ay ibinahagi ni Mystica ang sama ng loob niya sa mga netizens.

“Wow I can’t believe.. I only did one social experiment like that because I wanted to do something different na hindi katulad na ginagawa ng ibang mga tao na pare-pareho,” ani Mystica.

Ayon sa kanya ay gusto niya lamang na patunayan na mayroong handang tumulong sa kanyang kapwa kahit na hindi na ito magpanggap na mahirap.

Hindi naman nito napigilan na maiyak habang ipinapaliwanag ang kanyang sarili sa mga netizens.

Para patunayan an hindi niya kailangan mamalimos sa Las Vegas ay ipinakita niya ang kanyang mga salapi.

“May pera ako… kung hindi naman niya ako pinagbigyan may pambayad ako,” sabi ng dating aktres.

Nagpakita naman ng suporta ang ilang fans sa kanya.

“We support you Mystica. wag mo intindihin ssabihin ng ibang tao. ang importante may mbubuting tao at mgagandang puso na nagmamalasakit sa kapwa pilipino natin sa ibang bansa.” sabi ng isang fan.

“Mga taong puno ng inggit syo ang mga yan! Kahit nun time andito ka sa pinas idol na kita kasi matatag ka d ka nag papatalo … Kya go lng …bsta alam mo sa sarili mo na mabuting tao ka…” komento pa ng isa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular