Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDennis Padilla, pumalag sa anak na si Julia Barretto: "Nung pinatatangal niyo...

Dennis Padilla, pumalag sa anak na si Julia Barretto: “Nung pinatatangal niyo apelido ko, humingi ba ko ng apology?”

Hindi naitago ng aktor na si Dennis Padilla ang sama ng loob sa mga pahayag laban sa kanya ng anak niya na si Julia Barretto.

Matatandaan na sa panayam sa kanya ni Karen Davila ay sinabi ni Julia na hindi niya pa kayang patawarin si Dennis dahil narin sa mga diumano’y hindi nila pagkakaunawaan.

READ MORE: Julia Barretto, tumanggi na patawarin ang amang si Dennis Padilla sa ngayon: “Im just not ready”

“It’s not difficult for us to forgive, but it’s difficult to really just… It’s not the forgiveness, it’s to forget. But there’s just a lot of fear because I don’t know what’s gonna happen. But forgiveness, of course, definitely, that’s for my own peace of mind, di ba?” ani Julia.

Sa kanyang Instgram post ay hiniling ni Dennis na sana’y bigyan din siya ng pagkakataon na depensahan ang kanyang sarili.

“Please be fair to all, you need to interview me. Maraming mali sa alam ni Julia, waiting sa reply mo, thank you,” mensahe Dennis kay Davila.

Sinabi pa ni Dennis na lahat na lamang ng blessing ay nakila Julia na ngunit hindi parin diumano magawa ng aktres na mapatawad ang sarili niyang ama.

“Ang buong bahay ko, ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia, ano pang revenge ang gusto n’yong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na, humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko, ano pa gusto n’yo?” aniya.

Sinabi rin nito na hindi siya humingi ng apology kay Julia ng binalak ng aktres na tanggalin ang apelidong Padilla sa kanyang legal name.

Si Julia ay anak ni Dennis sa dati nitong partner na si Marjorie Barretto.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular