Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesClaudine Barretto, may mensahe kay Dennis Padilla: "Sumusobra ka na! Maawa ka...

Claudine Barretto, may mensahe kay Dennis Padilla: “Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga bata!”

Kahit ang aktres na si Claudine Barretto ay nakisali na sa umiinit na hidwaan sa pagitan ng mag-amang si Julia Barretto at Dennis Padilla.

Sa kanyang Instagram post, hinimok ni Claudine si Dennis na tumigil na sa kanyang pambabatikos kay Julia

“Kuya Tama na! Tumigil ka na pls! Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga Bata. pls stop! Mag usap tayo,” ani Claudine.

Matatandaang sinabi ni Julia na hindi niya pa kayang patawarin ang kanyang ama dahil sa mga paulit ulit nilang hindi pagkakasundo.

Bilang tugon ay nag-post ng ilang mensahe si Dennis laban kay Julia at hiniling nito na sana’y mabigyan din siya ng pagkakataon na maihayag ang sarili nila sa isang panayam.

READ MORE: Dennis Padilla, pumalag sa anak na si Julia Barretto: “Nung pinatatangal niyo apelido ko, humingi ba ko ng apology?”

“Ang buong bahay ko, ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia, ano pang revenge ang gusto n’yong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na, humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko, ano pa gusto n’yo?”aniya.

Wala pang sagot si Julia o si Marjorie sa mga banat sa kanila ni Dennis.

Matatandaan na nagkita na noong nakaraang taon si Dennis at Julia ngunit bigla na lamang nagbago muli ang relasyon ng dalawa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular