Ilang netizens ang hindi naiwasan na kwestyunin ang komedyante na si Ai-Ai delas Alas matapos nitong ibunyag na sinusubukan niyang maging US Citizen.
Sa isang panayam sa kanya, ibinahagi ni Ai-Ai na noong 2015 pa lamang ay green card holder na siya kaya naman hindi niya sasayangin ang pagkakataon na maging US Citizen.
āI wonāt be as active here [in the Philippines] for now. I have been a green card holder since 2015 and it would be such a waste not to apply for citizenship. Thatās what I want. Thatās my priority right now,ā ani Ai-Ai.
āDito na ako nagka-edad sa show biz. Itās the world, the job I know. But as you grow older, your priorities change. If I were single, I would choose to focus on showbiz. But now my husband is one of my priorities. Kaming dalawa na,ā dagdag niya pa.
Isa sa mga plano niya kung sakali man na siya ay maging US Citizen ay ang magbukas ng bakery sa Amerika.
Sa ilang komento ay makikita ang pagkwestiyon ng mga netizens kay Ai-Ai at nagtatanong kung bakit gusto nitong iwan ang Pilipinas ngayong nanalo na ang kanyang mga inendorsong kandidato.
“Anong US US citizen. Samahan mo mga ka 31M sa golden era dito,” ani Joseph Goombs.
“Di pwedeng ganun. Dapat nasa Pilipinas ka habang Golden Era. Antaying mo ang Tallano Gold saka ang 20 Pesos na Bigas. Unity lang dapat. Walang iwanan. Kawawa naman ang 31M na panatiko.” sabi ni Carlo TaƱada
Wala pang sagot si Ai-Ai sa mga pambabatikos sa kanya.