Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedWillie Revillame, may tugon sa mga bumabatikos sa AlTV: "Minsan nakakasama ng...

Willie Revillame, may tugon sa mga bumabatikos sa AlTV: “Minsan nakakasama ng loob,”

Sinagot ng television host na si Willie Revillame ang mga bumabatikos sa kabubukas pa lamang nilang network na AllTV.

Sa kanyang programa, inamin ni Revillame na sumama ang loob niya dahil agad na nahusgahan ang kanilang network kahit na kakaumpisa pa lamang nila.

Humingi rin ito ng paumanhin dahil sa mga nangyaring aberya sa gitna ng soft opening ng AllTV na ginawa nila nitong Septyembre 13.

Ayon kay Willie ay mas mainam sa mga kritiko ng kanilang network na tignan muna ang kanilang sarili bago mamuna ng ibang bagay.

“Minsan nakakasama ng loob. Pinupuna pa yung pagkakamali namin. Mahirap magpuna ng pagkakamali ng kapwa mo, tingnan mo muna yung sarili mo, di ba? Wag na tayong pumupuna. Isipin mo yung ilang taong tinulangan ng station na ito.” sabi ni Wilie.

Matatandaan na inulan ng batikos ang soft launch ng AllTV.

Ilan sa mga kilalang personalidad na pumuna sa network ay si Ogie Diaz na napansin ang tila hindi magandang audio system sa performance ng ilang talent katulad ni Toni Gonzaga.

READ MORE: Ogie Diaz pinuna ang production number ni Toni Gonzaga sa AllTV: “Sana mag-invest nang bongga sa sound system”

Samantala ay nagpasalamat si Willie sa ABS-CBN dahil sa pagbebenta nila ng antenna sa AllTV.

“Para malaman niyo po ang katotohanan, yung antenna ng ABS-CBN po – salamat naman sa ABS ipinagkaloob na po sa amin ‘yan sa ALLTV,” he shared. “Maraming salamat. Thank you so much, of course, the president, the chairman, si Mr. Carlo Katigbak, Mr. Mark Lopez, Boss Gabby (Lopez), maraming salamat.” ani Willie.

“Kasi kung hindi naman nila ipinagkaloob sa atin yung antenna… We’re so thankful, ipinagkaloob sa atin ng ABS-CBN yung antenna na ‘yan, yung transmitter. Kung wala po ‘yan, hindi niyo kami mapapanood sa analog. We’re so thankful.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular