Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedWillie Revillame, bukas sa posibilidad na ipalabas ang ABS-CBN shows sa AllTV

Willie Revillame, bukas sa posibilidad na ipalabas ang ABS-CBN shows sa AllTV

Bukas ang isa sa mga opisyal ng AllTV na si Willie Revillame na ipalabas ang mga programa ng ABS-CBN sa kanilang istasyon.

Matatandaan na hawak na ngayon ng AllTV ang channel 2 na dating pagmamay-ari ng Kapamilya network.

Nitong Septyembre 16, nagpasalamat si Revillame sa mga opisyal ng ABS-CBN kasama na ang CEO ng Kapamilya network na si Carlo Katigbak, Chairman Mark Lopez, at Gabby Lopez.

Sinabi naman nito na sana’y mailagay ang magagandang programa ng ABS-CBN sa AllTV.

“Sana, magkasama-sama tayo uli. Yung ibang mga programa na magaganda, maisama natin dito. Ganoon lang naman ang buhay, di ba, there’s always forgiveness in your heart. Ang importante, ang bida dito, yung manonood.” sabi ni Revillame.

“Hindi nila ipinagdamot, e. Sa totoo lang, in fairness, ang bait din nila para hindi ipagdamot. Puwede naman nilang hindi ibenta ‘yan pero ibinenta pa rin nila.” dagdag niya pa.

Wala pang sagot ang ABS-CBN sa alok ni Revillame.

Ilang fans naman ang nagsabi na mas maganda na ibalik na lamang sa AllTV ang mga programa ng ABS-CBN dahil sa nasa channel 2 naman ito.

Kasalukuyang may blocktime agreements ang ABS-CBN sa TV5 at A2Z.

Una nang naibalita na ibinigay ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga dating frequencies ng ABS-CBN sa iba’t ibang media companies katulad ng AllTV.

Dahil dito ay hindi na magamit pa ng ABS-CBN ang kanilang transmitter.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular