Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesTulfo, pinuna ang confidential fund ni Sara Duterte: "Is there a limit...

Tulfo, pinuna ang confidential fund ni Sara Duterte: “Is there a limit to her appetite for money and power?”

Kinuwestiyon ng mamamahayag na si Ramon Tulfo ang laki ng budget na ibinigay ng kongreso para kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.

Sa kanyang artikulo, pinuna ni Tulfo ang kongreso dahil sa hindi man lang diumano binigyan ng alokasyon ang Special Children’s Education.

Nagtataka rin ito kung bakit mayroong nakuhang confidential funds ang VP kahit na hindi naman intelligence unit ang DepEd at OVP.

“In contrast, Vice President Sara Duterte is about to be granted by Congress her request for ₱650 million in confidential fund.” ani Tulfo.

“About ₱500 million would go to the Office of the Vice President and ₱150 million to her office as DepEd secretary.

“What does she need the confidential fund for? Her predecessor, Leni Robredo, neither asked for nor was given confidential fund.” dagdag niya pa.

Ayon kay Tulfo ay hindi saklaw ng Commission on Audit ang mga confidential fund na ginagamit para makakalap ng intelligence o impormasyon tungkol sa seguridad ng bansa.

“When did the OVP and the Office of the DepEd Secretary become an intelligence unit? Is Sara going to spy on student activists at the University of the Philippines?” tanong pa niya.

Pinuna rin ni Tulfo kung bakit mas malaki ng tatlong beses ang budget ng opisina ni Duterte kumpara sa nakuha noon ni dating VP Leni Robredo.

Tila kahit ang presidente diumano ay hinahayaan na lamang si Duterte na magawa ang kanyang gusto.

“Is there any limit to her appetite for money and power?” tanong ni Tulfo.

“She is even reaching for the perks of the presidency itself – the use of the presidential chopper so she can go home early and “tuck my kids in bed”, a jarring display of false humility, considering that no other mother in this country enjoys the privilege.” sabi niya pa.

Wala pang tugon si Duterte sa mga banat sa kanya ni Tulfo.

Matatandaan na nagkapalita narin ng maanghang na mensahe ang dalawa noong 2021.

READ MORE: Mayor Inday Sara may mensahe sa kanyang mga taga suporta: “Wag niyo payagan na kayo ay Tulfohin”

“Sa aking karera sa pulitika marami na ako nakasalamuha na lalaki na tulad ni Tulfo, yung paningin sa mga babae ay hindi nag iisip at ibinabase ang galaw at pananalita sa nararamdaman lamang.” ani Duterte.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular