Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaSuspek sa pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas bagsak sa...

Suspek sa pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas bagsak sa lie detector test

Bumagsak sa Polygraph test o mas kilala bilang Lie detector test ang pangunahing suspek sa pagkawala at pagkasawi ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas.

Ibinahagi ni National Bureau of Investigation (NBI) Special Investigator Cedric Caabay na nakita nila na nagsisinungaling si Dasmariñas sa kanyang mga sagot sa gitna ng examination.

“Positive po siya, may mga deception don sa mga relevant questions na ginawa ng mga examiner,” ani Caabay.

“Nagsisinungaling siya, hindi siya nagsasabi ng totoo,” dagdag niya pa.

Sa panayam ni Sen. Raffy Tulfo, makikita na katabi pa ni Dasmariñas ang ina at kapatid ni Jovelyn.

Ayon kay Caabay ay simple lang ang mga itinanong ni Dasmariñas at ang tanging isasagot lamang nito ay ‘Yes’ or ‘No’.

Nagbigay din ito ng halimbawa na tinanong nila sa suspek.

“Ganito po, ‘totoo ba ang binigay mo na salaysay sa ating kapulisan patungkol sa pagkasawi ni ganito’ ang sabi niya ‘Hindi po’, nag react ‘yung computer, ibig sabihin nagsisinungaling siya,” kwento ni Caabay.

Samantala ay pasado naman ang itinuturo ni Dasmariñas na kasabwat niya na si Jovert Valdistamon sa lie detector test.

Matatandaan na si Valdistamon ang itinuturo ni Dasmariñas na ‘mastermind’ sa nangyari kay Jovelyn.

Ngunit paliwanag ni Valdistamon ay nasa trabaho siya ng mga araw na nawala si Jovelyn kaya’t imposible na sangkot siya sa nangyari sa working student.

“Maganda po ‘yung resulta ng kanyang polygraph… Walang indication, walang tinatago, ibig sabihin maganda ‘yung sagot niya,” sabi ng imbestigador sa resulta ng lie detector test kay Valdistamon.

Dahil dito ay hindi na susuportahan ni Sen. Raffy Tulfo si Dasmariñas dahil sa napatunayan na nagsisinungaling ito sa kanyang mga sinasabi na inosente siya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular