Monday, September 26, 2022
HomeUncategorizedSundalo, nahuli ang asawang teacher kasama ang principal sa loob ng hotel

Sundalo, nahuli ang asawang teacher kasama ang principal sa loob ng hotel

Himas rehas ang 36-anyos na teacher at 40-anyos na principal matapos silang mahuli sa isang lodging house sa Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Sa ilang ulat ay haharap sa patong patong na reklamo ang dalawa na nahuli sa tulong ng Intelligence Operative ng Philippine Army.

Ayon PLT. Lorenzo Ocon, Deputy Station Commander  ng Police Station 4 ng Carmen Cagayan de Oro City ay tinawagan sila ng mga operatiba ng Philippine Army upang hulihin ang teacher at principal.

Aktwal naman nilang nahuli ang mga suspek na magkasama sa nasabing lodge.

Hindi naman pinangalanan ng mga otoridad ang dalawa.

Napag-alaman na asawa ng isang sundalo ang guro na matagal na pala talagang minamanmanan ang kanyang misis.

Wala pang pahayag ang teacher at principal sa mga akusasyon laban sa kanila ng sundalo.

Ilang netizens naman ang hiniling na sana’y payagan na lamang na magkaroon ng divorce sa Pilipinas upang maiwasan na ang pagtataksil sa pagitan ng mga mag-asawa na hindi na masaya sa kanilang relasyon.

Matatandaan na nitong nakaraan lamang ay isang retiradong pulis ang nahuli ng kanyang asawa na mayroong kasama sa isang lodging at ibinahagi pa mismo sa social media ang aktwal na paghuli sa kanila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular