Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesEstudyante na pumapasok gamit lamang ang unicycle, binigyan ng bagong bike ni...

Estudyante na pumapasok gamit lamang ang unicycle, binigyan ng bagong bike ni Sen. Bong Go.

Matapos sumikat ang kanyang istorya sa social media ay tinulungan ni Sen. Christopher “Bong” Go ang 12-anyos na estudyante na si Hannamichi, residente ng Bocaue, Bulacan.

Ibinahagi ng blogger na si BanatBy ang kanyang pakikipagkita sa estudyante kasama ang ilang staff ni Sen. Go.

“Ito po ay pinadala ni Sen. Bong Go dahil noong nakita niya ‘yung video niya [Hanna] ay naantig ang puso niya.” sabi ng staff ni Go.

Binigyan din ni BanatBy ng 10,000 piso si Hannamichi.

Matatandaan na nag-viral si Hannamichi sa social media matapos siyang makita ng isang netizen na nagbi-biyahe papunta sa kanyang eskwelahan gamit lamang ang unicycle.

Sa panayam sa kanya ay sinabi ng estudyante na naisipan niya na gumamit ng unicycle papunta at pauwi sa kanilang eskwela upang makatipid.

“Kailangan ko talangang magtipid kasi po kung mag-tricycle ako pauwi, wala po kaming makakain,” sabi ni Hannamichi sa panayam sa kanya ng ’24 Oras’.

Wala rin naman daw magawa ang kanyang mga magulang dahil sa hindi naman nila mabili ng mas maayos na bisikleta ang kanilang anak dahil sa baba ng kanilang sweldo.

Pinuri naman si Hannamichi ng kanyang mga magulang dahil sa kahit na mahirap lamang sila ay hindi ito nagreklamo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular