Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesSass Rogando Sasot, nagbigay ng P500 sa fund-raising ni Atty. Jesus Falcis:...

Sass Rogando Sasot, nagbigay ng P500 sa fund-raising ni Atty. Jesus Falcis: “Naawa ako”

Tila hindi pa tapos ang palitan ng maanghang na mensahe sa pagitan ng international relations expert na si Sass Rogando Sasot at abogado na si Atty. Jesus Falcis.

Matatandaan na idinemanda ng Political Scientist na si Prof. Antonio Contreras si Falcis at dahil dito ay nagdesisyon siya na mangalap ng pondo dahil handa niyang ipaglaban ang kanyang karapatan hanggang sa Korte Suprema.

READ MORE: Atty. Jesus Falcis, nag-fund raising matapos siyang kasuhan ng cyber libel ng isang propesor

Isa si Sasot sa mga nagbigay ng reaksyon sa ginagawa ngayong fund-raising ni Falcis.

Dahil dito ay nagbigay ng P500 si Sasot bilang donasyon kay Falcis na isa sa mga lagi niyang kapalitan ng batikos sa social media.

“Naawa na ako kay Atty. Jesus Falcis…” ani Sasot.

Ibinahagi rin ni Sasot ang GCash ni Falcis sa kanyang daan daang libong followers.

“Sa mga fans po ni Atty. Jesus Falcis na sumusubaybay sa Page na ito, tulungan nyo po sya. Mahirap talagang makakuha po ng client ang isang lawyer kapag may Supreme Court decision na ganito ang sinabi sayo. #CharityForJesusFalcis,” aniya.

Nagbigay naman ng reaksyon si Falcis sa pagbibigay sa kanya ng 500 pesos ni Sasot.

Tingin tuloy ni Falcis ay ‘closet Kakampink’ si Sasot o di kaya’y kaaway ang turing ng international relations expert kay Prof. Contreras.

“Nag donate si Sass sa akin. I don’t know what her intentions are but money is money.

“She’s trolling me on her FB page but she also sent support? Closet Kakampink?

“Or baka hate nya si Prof. Contreras? Nag-away kasi yan sina Sass and Thinking Pinoy with Contreras who was previously aligned with the We Are Collective / Hydra 8 na tumitira kina Sass/TP nuong 2017.” ani Falcis.

 

Tugon naman ni Sasot ay nagbigay lamang siya ng donasyon kay Falcis dahil sa pinapalabas ng abogado na siya ang walang trabaho at pera.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular