Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesRyza Cenon, inireklamo ang Maynilad matapos siyang singilin ng daang libo sa...

Ryza Cenon, inireklamo ang Maynilad matapos siyang singilin ng daang libo sa tubig

Hindi makapaniwala ang aktres na si Ryza Cenon sa natanggap niyang bill mula sa Maynilad na umabot sa daang libong piso.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng Kakampink artist na noong nakaraang buwan ay nasa 3,680 lamang ang kanilang bill ngunit ng dumating ang bill nila ngayon ay umabot sa P120,945 ang kanilang tubig.

Ayon pa sa kanya ay imposible na gumamit sila ng ganon kadaming tubig dahil sa hindi nga maganda ang natatanggap nilang suplay ng tubig.

“Ano kami may carwash?¬†10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 3,680 last month ngayon 120k?!!!?????” ani Cenon.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kani kanilang istorya na diumano’y nakatanggap din sila ng hindi makatarungan na bill ng tubig.

“Nangyare din po samin yan ¬†from 120 pesos – 26k sa loob ng isang buwan tapos 2 gripo lang meron kami bihira pa gamitin yung nasa labas tapos gusto bayaran nmin real quick para daw di kami putulan simula lang nilagay yung metro nmin sa kanto nmin nag kaganyan ang bill nmin, chineck lahat kung may leak wala all goods ang masaklap kesyo lumabas daw tlga sa metro namin kaya need nmin bayaran,” ani Nicole Cruz.

“Baka may leak na hndi nyo nakikita. Parang samin meron pala sa ilalim ng tubo kaya dating 2k inabot na 29k samin padin ang sisi kasi hndi daw kani nagpapatay ng kuntador sa gabi.. ayun binayaran padin namin. Payable sya in 1yr pero mabigat sa kalooban,” wika ni Sushmita Busano.

Wala pang sagot ang Maynilad sa reklamo ni Cenon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular