Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesProduction number ni Ella Cruz sa 'AllTV' inulan ng batikos sa mga...

Production number ni Ella Cruz sa ‘AllTV’ inulan ng batikos sa mga netizens

Tila bigong mapahanga ng tinaguriang ‘Millennial Dance Princess’ na si Ella Cruz ang mga netizens sa kanyang unang production number sa AllTV nitong Septyembre 13.

Sa nasabing performance ay makikita si Ella na kasama ang mga Wowowin Dancers kung saan ay sinayaw nila ang Zoom ng Korean-American rapper na si Jessi.

Ibinahagi ng Facebook page ng AllTV ang nasabing performance na sa ngayon ay mayroon ng mahigit 48,000 na ‘laugh reaction’ habang isinusulat ang artikulong ito.

โ€œDance Princessโ€ sweetie sorry but who lied to you” ani Danica Surima.

“Ang daming dancers hahaha nag mukhang zumba class hahahahah,” wika ni Angela Corral.

“The most boring show ive ever seen the entire 31 years.” komento ni Heliver Opsima.

May ilan parin naman na nagtanggol kay Ella ngunit kinuyog din ito ng mga netizens.

“Ang ganda ni ms.ella daming ma inggit sayo lalo na yung pangit hahaha. may awa ang dios sa mga taong ma bait ang tawag nyan good karma. yung mga my mga galit at inggit sa puso. my bad karma sila,” banat ni Aldren Zepperman.


Samantala ay wala pang tugon si Ella sa mga pambabatikos na kanyang natanggap.

“Hindi ‘to chismis, we are part of history! ๐ŸŽ‰ mapapanood na natin ang bagong network ng bawat Pilipino, ALLTV,” ani Ella.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular