Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesOpisyal ng Palawan na isinasangkot sa kaso ni Jovelyn Galleno, tumanggi na...

Opisyal ng Palawan na isinasangkot sa kaso ni Jovelyn Galleno, tumanggi na magpa-lie detector test

Tumanggi na Chief Information Officer at Anti Crime Task Force (ACTF) chief ng Puerto Princesa na si Richard Ligad na sumailalim sa Polygraph test o Lie Detector Test.

Ito’y matapos siyang hamunin ni Sen. Raffy Tulfo na dumaan din sa nasabing test dahil sa isa siya sa mga isinasangkot sa pagkawala ng working student na si Jovelyn Galleno.

Ayon kay Ligad ay hindi na kinakailangan pa na sumalang siya sa Lie Detector Test dahil sa napatunayan na positibong si Jovelyn ang mga butong nakuha sa lugar na itinuro ng suspek kung pagbabasehan ang DNA test na isinagawa ng PNP at NBI.

“Hindi na ho kailangan na tayo ay magpa-lie detector test at ‘yun po ang advice sakin ng ating mga kaibigan, abogado at pamilya.” ani Ligad.

Sinabi pa nito na sapat na ang ginawang pambabatikos sa kanya matapos siyang isalang sa ‘court of public opinion’ ng senador.

“Ang importante dito satin sa Puerto Princesa kung ano ‘yung totoong ginagawa namin, kung ano ang serbisyo na ginagaws namin, wala na kaming dapat patunayan pa,” sabi pa ng opisyal.

Wala pang tugon sa ngayon si Tulfo sa pagtanggi ni Ligad.

Matatandaan na si Ligad ang itinuturo ng suspek na si Leobert DasmariƱas na diumano’y namilit sa kanya na umamin sa nangyari kay Jovelyn at ituro ang lugar kung saan nakita ang mga gamit at diumano’y buto ng dalaga.

Ayon kay DasmariƱas ay pinahirapan siya at tinakot ng grupo ni Ligad para lamang umamin siya sa nagawa niya.

Ngunit giit ng suspek ay inosente siya at hindi niya magagawa na gawan ng masama si Jovelyn na kanyang pinsang-buo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular