Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesOgie Diaz pinuna ang production number ni Toni Gonzaga sa AllTV: "Sana...

Ogie Diaz pinuna ang production number ni Toni Gonzaga sa AllTV: “Sana mag-invest nang bongga sa sound system”

Pinuna ng talent manager at blogger na si Ogie Diaz ang naging production number ni Toni Gonzaga sa opening ng bagong nilang istasyon na AllTV.

Sa kanyang post, sinabi ni Ogie na ‘napabungisngis’ na lamang siya ng mapanood niya ang nasabing performance na umabot na sa milyon milyong views online.

Ayon kasi sa talent manager ay tila may mali sa sound quality ng performance ni Toni at naniniwala din siya na kahit ang tv host ay hindi magugustuhan ang kanyang performance sa AllTV kapag napanood niya ito.

“Nangiti lang ako nu’ng una, eh. Hanggang sa mapabungisngis na ako kalaunan habang pinanonood ang prod ng aking kumareng Toni. Ganitong-ganito ‘yung mga napapanood ko sa GMA Supershow ni Kuya Germs nu’ng araw.” sabi ni Ogie.

“Pero sana, mag-invest nang bongga sa sound system o sa recording. Baka kahit si Toni kung panonoorin uli ito, hindi niya ipagmamalaki yung performance niya, eh. Lalo na yung audio niya.” dagdag niya pa.

Naiintindihan naman daw ni Ogie na hindi talaga maiiwasan ang mga pagkakamali lalo na’t kakaumpisa pa lamang ng network.

“Na-bother lang talaga ako nang slight. Kasi, sa mga singers, big deal talaga sa kanila ang audio at sound system, eh. Baka gusto lang talagang mag-perform ni Toni at magbigay-saya.” aniya.

Larawan mula kay Ogie Diaz/FB

Matatandaan na maliban kay Ogie ay binatikos din ng ilang netizens ang nasabing performance ng host.

Tinawag na pang ‘christmas party’ at ‘barangay fiesta’ ng ilang netizens ang naging performance ni Toni.

“Pababa at hindi pataas ang standards ng pinas,” sabi ni netizen Rere Sy.

“Hire someone po na magaling sa design. bilyonaryo may ari tapos pang elementary project yung design po.” ani June Cera.

“Very classroom ang set up with the students. Next group please,” komento ni Tricia Urlanda.

Wala pang komento si Toni tungkol sa naging komento ng mga netizens sa kanya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular