Monday, September 26, 2022
HomeSocial MediaMga apektado ng Marawi Siege, tinanggihan ang pabahay ng gobyerno: "Hindi maganda...

Mga apektado ng Marawi Siege, tinanggihan ang pabahay ng gobyerno: “Hindi maganda yung pagkakagawa”

Ilang residente ng Marawi City na nawalan ng tirahan dahil sa gera noong 2017 ang tinanggihan ang mga bahay na ipinatayo ng gobyerno sa kanila.

Sa panayam ni Gov. Mamintal Adiong Jr. hindi tinanggap ng mga recipients ang mga bahay na ipinatayo sa kanila ng gobyerno dahil sa ‘substandard’ ito.

“Ang problema dito yung mga housing, hindi lang masyadong maganda ang pagkakagawa. Yung mga binibigyan, kusa nilang ina-award yung mga bahay na yan, mga nanggaling sa Ground Zero, hindi sila tumutuloy diyan dahil hindi maganda ang pagkakagawa….Substandard,” ani Adiong Jr. sa panayam sa kanya ng Teleradyo.

Ayon pa kay Adiong ay maliban sa substandard ay wala pang suplay ng tubig sa lugar kung saan itinayo ang mga pabahay kaya naman hindi na ito tinirhan ng mga biktima.

“Maski napatayo na lahat yung mga bahay diyan, yung mga buildings, kung wala naman tubig, walang gustong tumira diyan,” aniya.

Sinabi pa ng gobernador ay mas pinili na lamang ng mga apektado na ipagawa muli ang kanilang mga nasirang bahay.

Ito rin ang reklamo ni Lanao Del Sur 1st District Rep. Ziaur-Rahman Alonto Adiong na pinabulaanan ang balita na 98% nang tapos ang rehabilitasyon ng Marawi City.

“There are still some areas in Marawi- walang tubig… wala pang cables, di pa magamit… no power supply. How can you expect people to return if there are no basic services?” sabi ng kongresista.

Wala pang sagot ang palasyo sa reklamo ng mga opisyal ng Marawi.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular