Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesJulia Barretto, tumanggi na patawarin ang amang si Dennis Padilla sa ngayon:...

Julia Barretto, tumanggi na patawarin ang amang si Dennis Padilla sa ngayon: “Im just not ready”

Inamin ni Julia Barretto na hindi niya pa handang patawarin ang kanyang ama na si Dennis Padilla, ito’y sa kabila ng mga matatamis na mensahe ng aktor para sa kanya.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Julia na hindi niya parin kayang makipag-ayos sa kanyang ama dahil sa kanilang mga hindi pagkakaunawaan sa mga nagdaang taon.

“Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I’m just not ready. There’s just been so much pain over the years since I was young, so parang I got tired of the same thing,” ani Padilla.

“It’s not difficult for us to forgive, but it’s difficult to really just… It’s not the forgiveness, it’s to forget. But there’s just a lot of fear because I don’t know what’s gonna happen. But forgiveness, of course, definitely, that’s for my own peace of mind, di ba?” dagdag niya pa.

Sinabi rin nito na sinubukan siyang kausapin muli ni Dennis ngunit hindi pa siya handa na kausapin ito.

“I won’t lie, I mean, he’s tried. I’m just really not ready. I don’t wanna force myself also. Because if you force yourself, then it’s not genuine, hindi siya totoo. So, I want to get to a point na when we speak, it’s when I’m ready,” aniya.

Si Julia ang isa sa mga anak ni Dennis sa dati niyong partner na si Marjorie Barretto.

Matatandaan na noong 2021 ay nagkaroon ng vlog si Julia at Dennis kung saan ay tinanong ng aktres ang kanyang ama sa mga bagay na hindi niya pa alam tungkol sa kanilang pamilya.

Ngunit nagtaka ang mga netizens ng burahin ni Julia ang nasabing video.

Dahil dito ay nabuhay muli ang mga agam-agam na nagkaroon muli ng lamat ang relasyon ng dalawa.

Maliban kay Julia ay hirap din si Dennis na makuha ang atensyon ng iba pa niyang anak kay Marjorie.

Matatandaan na binatikos ni Leon Barretto si Dennis at sinabi na humahanap lamang ng simpatya ang aktor sa mga netizens.

READ MORE: Leon Barretto, may open letter sa kanyang ama na si Dennis Padilla: “Is public sympathy really more important to you?”

“For the past 10 years, we have been trying so hard to slowly rebuild the bridge you
continuously burn every time you talk about our private matters in your press cons, interviews, and social media.” ani Leon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular